Patay ang isang 33 anyos na lalaki matapos pagtatagain ng sariling ama sa lalawigan ng Misamis Oriental.
Kinilala ang biktma na si Marjun habang ang suspek naman ay si Enerio.
Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman lang ang mag-ama kasama pa ang isang anak nito nang magkainitan umano dahil hindi raw patas ang pagtrato ng ama sakanilang magkapatid.
Nagalit naman ang ama nito ng maghagis ng bato si Marjun sa kanilang bahay dahilan upang kunin niya ang palakol at pagtatagain ang anak hanggang sa masawi.
Nais naman ng ina ni Marjun na huwag ng makulong ang asawa ngunit ayon sa pulisya magsasampa pa rin sila ng kaso at hahayaan na ang korte mismo ang magdesisyon. —sa panulat ni Airiam Sancho