Patay ang isang lalaki mataos saksakin ng kaniyang sariling biyenan sa Sitio Camansi Barangay Cabalic, Balasan sa Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Jomar Panes, 34 anyos habang ang suspek ay si Hernane Arcenas, 50 anyos.
Ayon kay Police Staff Sergeant Ramon Allan Elambre, imbestigador ng Balasan Municipal Police Station pinagsabihan ng suspek ang biktima matapos makita na sinasaktan nito ang kanyang live-in partner.
Sa halip na sumunod, pinalo ni Panes sa ulo ang kanyang byenan na naging dahilan ng alitan at nauwi sa pananaksak.
Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa malubhang sugat sa dibdib.
Agad namang sumuko ang suspek sa otoridad. – sa panulat ni Abby Malanday