Patay ang isang pinoy sa Los Angeles, California matapos bugbugin ng dalawang kabataan dahil sa isang case na beer.
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Steven Reyes, 68 taong gulang at nagtatrabaho sa isang tindahan ng alak sa Highland Park area.
Sa imbestigasyon, tinangkang nakawin ng dalawang suspek ang isang case ng beer.
Dahil dito, pinigilan ng biktima ang dalawa kaya ito ang hinampas ng scooter at binugbog.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen- sa panunulat ni Jenn Patrolla