Patay ang company messenger and collector na si Luigi Hernando matapos barilin at pagnakawan ng dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo sa Brgy. Paso De Blas, Valenzuela City.
Base sa ulat, sinundan ng mga suspek si Hernando na sakay din ng motorsiklo kungsaan agad itong bumagsak matapos na barilin mula sa likurang bahagi.
Hindi pa nakuntento ang mga salarin, kinuha pa ang bag at motorsiklo ng biktima bago tuluyang tumakas patungo sa di malamang direksyon.
Napag-alaman naman ng mga otoridad na kalalabas lamang ni Hernando mula sa isang bangko at posibleng doon pa lamang ay nasundan na ito ng riding in tandem criminals.
Sinabi naman ng kaibigan ng biktima, na sanay hindi na lamang kinitil ang buhay ni Hernando bagkus kinuha na lamang ang gamit at pera ng dala nito.
Inihayag naman ni Valenzuela City Police Colonel Fernando Ortega, na mayroon na silang sinusundang anggulo sa krimen makaraang makita ang kuha ng CCTV sa lugar.