Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang lalaki na responsable sa pagpatay sa pitong indibidwal kabilang na ang 5 miyembro ng isang pamilya sa isang Village sa Wuhan, China.
Nabatid na matapos ang ginawang pagpatay ay mabilis na tumakas ang suspek na kinilala sa pangalang “Gao” 39- anyos sakay ng isang kotse na pinaniniwalaang ninakaw ng suspek saka tumalon sa isang tulay sa Yangtze River.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Wuhan Police Station kung ano ang dahilan o motibo sa nangyaring krimen. —sa panulat ni Angelica Doctolero