Isang 54 na taong gulang na lalaki sa Bustos Bulacan ang pinaghihinalaang namatay dahil sa meningococcemia.
Ayon sa Municipal Health Office ng Bustos, dinala sa 3 ospital ang biktima bago namatay.
Una itong dinala sa Bustos Community Hospital noong Oktubre 16 kung saan nakitaan ito ng mga sintomas ng meningococcemia.
Inilipat ito sa Carpa Hospital sa Baliuag hanggang sa makarating sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Hanggang sa ngayon ay inaalam at kinukumpirma pa ng mga doktor at opisyal kung sa meningococcemia nga ang ikinamatay nito.