Patay ang 41-anyos na lalaki matapos matabunan ng bato sa isang minahan sa Tuba, Benguet.
Kinilala ang biktimang si Danny Bunnag Dammit, isang Mine Development Supervisor na nagtatrabaho sa minahan ng Philex Mining Corporation.
Naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon nitong Biyernes.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagtatrabaho ang biktima at isa pang kasama nitong si Vergel Moguiyeng nang magkaroon ng rockburst.
Bagaman ligtas na nakalabas si Moguiyeng, naiwan si Dammit sa loob.
Tinangka pang dalhin sa ospital ang biktima matapos mahukay ng mga rescuers pero idineklara na itong dead-on-arrival.
Cardiopulmonary Arrest Secondary to Asphyxia ang sanhi ng pagkamatay ni Dammit.