Tila tinodo ng isang Indian man ang pag-e-effort para sa kaniyang girlfriend dahil talagang iniba niya pa ang kaniyang itsura upang makapag-take ng exam para sa minamahal.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa ginanap na recruitment examination sa isang Punjab university, pumunta ang lalaki na si Angrez Singh na naka-all out female outfit at sinamahan pa ng bangles, bindi, at makeup para magpanggap bilang kaniyang girlfriend na si Paramjit Kaur.
Upang masagutan ang examination para sa babae at para makapasok sa exam hall, nagdala ng mga pekeng dokumento si Singh kabilang na ang voters at Aadhar cards na nakapangalan kay Kaur.
Ngunit, nabuking din ang lalaki nang hindi mag-match sa biometric device ang kaniyang fingerprint sa tunay na nagmamay-ari ng pangalan na kaniyang ginamit.
Doon na tuluyang nasira ang pagpapanggap ni Singh bilang babae at inireklamo siya ng mga opisyal ng unibersidad na nagsagawa ng exam para sa health workers.
Sa huli ay inaresto ang lalaki at ang application naman ng tunay na Paramjit Kaur ay na-invalidate na lamang.
Inimbestigahan naman ng mga otoridad kung parte ng isang malaking network si Singh, lalo pa at iminumungkahi ng mga ginamit niyang pekeng dokumento na hindi siya nag-iisa at mayroong katulong.