Kalaboso ang isang lalaki makaraang masabat mula rito ang isang toneladang giant clams o taklobo na sinasabing nagkakahalaga ng P2.5 milyon sa Palawan.
Ayon sa Philippine National Police Maritime Group 2nd Special Operations Unit, nadakip ang suspek na si Markin Claud, 32-anyos, sa Purok Bagong Lipunan, Barangay Teresa, bayan ng Narra.
Batay sa red list ng International Union for Conservation of Nature, itinuturing nang threatened species ang mga taklobo o giant clams.
Walang naipakitang dokumento si Claud ukol sa mga taklobo kaya’t sinampahan ito ng kasong paglabag sa Section 102 ng Philippine Fisheries Code of 1998.