Nagpositbo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang lalaki sa Taiwan ilang araw matapos magbakasyon sa Pilipinas kasama ang kanyang mga kaibigan.
Sa ipinalabas na pahayag ng Taiwan Centers for Disease Control, nasa edad 30 pataas ang nasabing lalaki na napabilang sa panibagong kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa Taiwan.
Ayon sa report ng Taiwan, Marso 2 nang bumisita sa Pilipinas ang lalaki at makaranas ito ng diarrhea.
Marso 3 nang makabalik ito sa Taiwan at nagpakonsulta sa isang clinic matapos makaranas ng dry throath at pagkapagod.
Sa sumunod na araw naman ay napabilang na ang lalaki sa mga persons under investigations (PUIs) dahil sa pagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at kalauna’y nagpositibo ito sa nasabing virus.
Sa ngayon, aabot na sa mahigit 40 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taiwan at nananatili naman sa 3 ang bilang ng kaso nito sa Pilipinas.