Nadakip ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na matagal nang wanted dahil sa kasong rape na sinasabing naganap sa Tagbina, Surigao Del Sur.
Ayon sa MPD, si Jevie Pradas ay nasakote ng Detective Special Operations Unit (DSOU) Trackers Team sa Caren Compound, Toclong Road, Brgy. Gahak, Kawit, Cavite.
Matagal nang tinutugis ng batas si Pradas dahil sa kasong rape na kinakaharap nito sa Regional Trial Court o RTC Branch 46 sa Bistig City, Surigao Del Sur.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.