Nanawagan ng pagkakaisa ang isang lider ng mga lumad sa kanyang mga ka-tribu sa Surigao del Sur.
Ito’y sa gitna ng sinasabing militarisasyon na nagaganap doon at kasunod na rin ng pagkamatay ng 3 lider ng tribu sa nasabing lalawigan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Datu Marcial Belandres na dapat magkaisa ang lahat ng mga lumad upang mapalayas sa kanilang komunidad ang mga miyembro ng New People’s Army o NPA na nanggugulo umano sa kanilang lugar.
Ayon naman kay Art Tariman, convenor ng Victims of Injustice, Terrorism and Criminality in Mindanao, dapat magkaroon ng pag-uusap ang mga lider ng mga lumad upang maresolba na ang problema sa kanilang hanay.
“Ulitin lang po namin yung sadya namin sa pagpunta dito sa Metro Manila ay upang malinawan ang mga isyu at pangalawa ay mahanapan ng solusyon ang problema sa Surigao del Sur at magkaroon ng kapayapaan, para mag-usap yung tribo to tribo,” paliwanag ni Tariman.
By: Jelbert Perdez