Patay ang isang lider ng Tribong Mamanwa matapos umanong barilin ng mga miyembro ng New People’s Army sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte.
Kinilala ang biktima na si Guillermo Tiambong, 58 anyos.
Ayon kay Brig. Gen. Franco Gacal, commander ng 402nd Brigade. Nagsasaka si Tiambong nang paslangin ito sa bulubunduking bahagi ng Barangay Camp Edward.
Dagdag pa ni Gacal, may pagbabanta na sa buhay ng biktima mula sa mga miyembro ng NPA at alam din aniya ito ng pamilya ni Tiambong.
Nabatid na dating taga suporta ng NPA si Tiambong ngunit bumaliktad na ito noong nakaraang taon at naging kabalikat na ng mga sundalo sa pagpapatupad ng programa ng gobyerno.
Posted by: Robert Eugenio