Isang limang taong gulang na Malaysian National ang nahulog sa isang hagdanan sa departure area ng NAIA.
Ayon sa MIAA ang biktimang nakilalang si Muhammad Alif Bin Azizah ay nahulog sa arrival east concourse pasado alas 8:00 ng umaga.
Kaagad namang rumesponde ang medical personnel ng ramp clinic nang makitang umiiyak ang bata na pa biyaheng Jeddah, Saudi Arabia.
Nagtamo ng hiwa sa kaniyang baba at ibabaw ng labi at galos sa noo at baba ang biktima na isinugod sa San Juan de Dios Hospital.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.