Inaasahang tataas pa hanggang 150,000 mula sa 120,000 ang daily passenger traffic sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ilang araw bago ang Undas.
Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations head Jason Salvador, nakipag-ugnayan na sila sa mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang maayos na biyahe ng mga pasahero.
Kabilang sa kanilang katuwang ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Maglalabas anya ang LTFRB ng special permits upang matiyak na sapat ang bilang ng mga Public Utility Vehicle na bibiyahe sa “Long Undas Weekend”.
Nakatutok naman ang LTO sa roadworthiness ng mga PUV maging ang physical at mental condition ng mga driver.