Mala-piyesta subalit maayos naman ang isang linggong itinakdang paghahain ng COC o Certificate of Candidacy.
Binigyang diin ito ni COMELEC Chairman Andres Bautista, bagamat umaasa pa rin silang mas mapapaganda pa nila ang proseso.
Pinasalamatan ni Bautista ang COMELEC staff, volunteers, mga pulis at security guards gayundin ang media sa pagtulong sa ahensya para maging matagumpay ang COC filing.
Ayon kay Bautista, sa limang araw na filing ng COC, pumapalo sa 130 ang mga nais maging pangulo, 19 sa pagkabise-presidente, 172 sa pagka-senador bukod pa sa 213 partylist groups.
By Judith Larino