Kasado na sa Lunes, December 11 ang isang linggong dry run para sa ipatutupad na HOV o High Occupancy Lane sa EDSA.
Ayon sa MMDA tanging ang mga sasakyang may sakay na dalawa o higit pa ang uubrang makadaan sa HOV Lane na nasa pinaka kanang lane sa kahabaan ng EDSA.
Ipinabatid ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jose Arturo Garcia na papayagan ding dumaan sa HOV lane ang motorcycle riders bukod pa sa itinalagang motorcycle lane sa fourth lane.
Samantala ang mga private car drivers na walang kasama ay maaring gumamit ng motorcycle lane at third lane mula sa MRT.
Pagmumultahin ng 500 piso ang mga lalabag base na rin sa no contact apprehension policy.