Hindi pa sasapat para mapababa ang kaso ng COVID-19 ang isang lingggong pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Ayon ito kay Dr. Alethea De Guzman, director ng DOH epidemiology bureau dahil inaasahan namang tataas muli ang COVID-19 cases isang linggo matapos ang ECQ.
Batay sa projection ng modeling tool na faster sisirit pa rin sa 500,000 ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kapag ibinalik sa bubble policy kasama ang Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna matapos ang isang linggong ECQ.