Matapos ang dalawang taong mahigpit na protocols sa gitna ng covid-19 pandemic, umarangkada na ang isang linggong pagdiriwang ng sinulog 2023 sa Cebu City.
Lumarga ang unang araw ng aktibidad sa pamamagitan ng Novena mass at penitential walk with Jesus para kay Señor Sto. Niño bilang hudyat nang pagsisimula ng ika-apatnaraan limampu’t walong taong kapistahan.
Sa pagtaya ng Cebu City Police, nasa tatlundaan libong deboto ang dumalo sa misa at dumagsa sa penitential walk mula sa Fuente Osmeña hanggang Basilica Minore Del Sto. Niño, kahapon.
Ayon kay Cebu City Police Director, Col. Ireneo Dalogdog, wala namang naitalang “untoward incident” sa opening ceremony.
Ito, anya, ay bunsod ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad upang matiyak ang maayos at mapayapang pagdiriwang.
Magtatagal ang kapistahan hanggang sa linggo, Enero a – 15 kasabay ng traslacion kung saan inaasahang daragsa ang mahigit dalawang milyong deboto.