Nagsimula na ngayong araw ang isang linggong truck holiday ng truckers at custom brokers.
Ito ay bilang pagtutol sa pagpapatupad ng terminal appointment booking system o TABS, simula sa Marso 15.
Sa ilalim ng TABS, kailangang magbukas ng dalawang accounts ng mga custom brokers at kailangan mag-deposit ng mga ito ng hindi bababa saP15,000 bilang buffer fund.
Iginiit ng grupo na kanilang tinututulan ang TABS dahil ang kanilang mga babayaran ay mapupunta lamang sa mga pribadong account.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)