Masayang inanunsiyo ng Provincial Government of Albay (PGA) ang tuluyang pagbaba ng kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa kanilang lalawigan.
Base daily monitoring ng Department of Health-Bicol, naitala sa lalawigan ang walong araw na ‘Zero COVID-19 cases’ dahil sa mataas na bilang ng mga pasyenteng nakakarekober sa nakakahawang sakit.
Sa ngayon halos 10K na ang bilang ng nakarekober sa COVID-19 dahil narin sa patuloy na pagbabakuna ng mga residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero