Nagdiwang ng kaniyang ika 124th birthday noong Setyembre 11, ang isang lola na taga-Negros Occidental.
Ang itinuturing na World’s Oldest Living Person na si Lola Francisca Susano ay binigyan ng National Commission on Senior Citizens ng regalo, bulaklak, plaque of recognition at cash.
Si Lola Iska ay pinagkalooban naman ng lokal na pamahalaan ng Kabankalan City at Negros Occidental Provincial Health Office ng wheelchair, medicine supplies at groceries.
Hinihintay na lamang ang pormal na pagkilala ng Guinness World Records Organization kay Lola Isca bilang world’s oldest living person na sa kasalukuyan ay hawak ni Kane Tanaka ng Japan na 118 years old na.
Naghain naman ng resolusyon ang senior citizens party list group para bigyan ng P1-M si Lola Iska.