Isa pang lola sa Taguig City ang nakatanggap ng P100-K bilang birthday cash gift sa kaniyang ika-100 kaarawan.
Kinilala ang maswerteng senior citizen na si Lola Maura, nakatira sa Barangay Bagumbayan.
Sa ilalim ng ordinansa sa lungsod, makatatanggap ng P3-K hanggang P10-K ang mga senior citizens depende sa kanilang edad.
Bukod pa rito ang libreng gamot sa diabetes, high blood at asthma; libreng nursing services sa kanilang tirahan; libreng wheelchairs, canes o tungkod, hearing aids at prescription glasses.