Binabantayan ngayon ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang Low Pressure Area o LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 830 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA na maliit lamang ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang naturang LPA.
Maliban dito, wala ring direktang epekto ang sama ng panahon saanmang bahagi ng bansa.
—-