Namataan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, namataan ang naturang LPA sa 1,095 kilometers east ng Mindanao.
Dagdag pa ng PAGASA na maaaring pumasok ng PAR ang sama ng panahon ngayong araw, Hulyo 3 hanggang bukas, Hulyo 4 pero maliit naman ang tyansang maging bagyo ang naturang LPA.
Sa kabila nito, ay posibleng magdulot ng pag-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang LPA lalo na sa Visayas at Bicol region.