Mahigpit na binabantayan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang LPA o Low Pressure Area na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong Sabado.
Huling namataan ang naturang LPA sa layong 1,475 kilometro hilagang-silangan ng Luzon.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa extreme northern Luzon at paiigtingin nito ang southwest monsoon o habagat.
Sakaling maging ganap na bagyo, tatawagin itong “Isang”.
By Meann Tanbio