Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang isang Low Pressure Area o LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 560 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, posible pa itong lumakas at maging bagyo ngayong araw ng Miyerkules o bukas, Huwebes .
Maaari namang maranasan ang pabugso bugsong ulan dala ng LPA sa silangang Kabisayaan at rehiyon ng Caraga.
—-