Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang Low Pressure Area sa silangan ng Batanes.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sama ng panahon, 300 kilometro sa silangan ng bayan ng Basco.
Nakapaloob ito sa tinatawag na ‘frontal system’ na nakakaapekto naman sa hilagang Luzon at maaaring magdulot ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera at gitnang Luzon.
Iiral naman ang pulu-pulong pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na mababa ang tsansang maging bagyo ang naturang LPA at posibleng lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes.
By: Meann Tanbio