Isinailalim sa special concern lockdown ang isang compound sa Barangay Tandang Sora sa Quezon City.
Ito’y makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng gubyerno na nakaranas ng sintomas ng sakit matapos magdiwang ng kaarawan na dinaluhan ng kaniyang mga ka-anak at kaibigan.
Dahil dito, nasa 81 indibiduwal ang isinailalim sa contact tracing kabilang na rito ang isang buntis, pitong senior citizen at anim na menor de edad.
Mula sa apatnapu’t apat na isinailalim sa test, 10 sa mga ito ang nagpositibo sa virus na siyang dahilan upang ilagay sa lockdown ang nasabing lugar.