Kilala ang lungsod ng Lima, Peru sa South America bilang “world’s rainless city”.
Halos hindi na kasi inuulan ang lugar na ito, bukod sa ambon na bumabagsak tuwing taglamig.
Ang Lima ang capital ng Peru. Dahil matatagpuan ito sa isang coastal desert region, sobrang tuyot ang klima rito.
Ayon pa sa hydrometeorological experts, bihira ulanin ang Lima dahil sa special geographical position nito sa eastern slopes ng Andes, isa sa mga pinakamataas na bundok sa South America.
Sa katunayan, umaabot lamang sa 10 hanggang 15 millimeters kada taon ang rainfall dito at nakararanas ang lungsod ng 1.69% na tag-ulan sa buong taon. Halos hindi rin ito nadadaanan ng bagyo.
Sa kabila nito, hindi ganoon kainit sa Lima kung saan pumapalo lamang sa 15°C hanggang 26°C ang temperatura.
Kakaiba man ang klima, natutunan ng mga residente na iakma ang kanilang pamumuhay sa kanilang kapaligiran at nananatili ang Lima bilang isa sa mga pinakamagandang tourist spot sa buong mundo.