Nagkalat kung saan-saan ang iba’t ibang brands at maraming klase ng skincare products na pampaganda ng balat at pampabata.
Pero sa India, isang mag-asawa ang nag-o-offer ng kakaibang produktong pampabata kung saan ay nakapag-scam sila ng $4M.
Paano nga ba ito nangyari? Tara, alamin natin!
Ang Indian couple sa Kanpur, India na sina Rajeev Kumar Dubey at Rashmi Dubey ay nakapag-scam ng limpak-limpak na salapi mula sa mga nakatatanda.
Ang strategy, pinapaniwala nila ang mga tao na ang polluted air ang dahilan ng mabilis nilang pagtanda at ang solusyon dito ay ang israel-made time machine at oxygen therapy para bumalik sila sa pagiging young-looking.
Ayon awtoridad, sa therapy center na pag-aari ng mag-asawa ay nag-o-offer ng package na nagkakahalagang Rs 6,000 para sa 10 sessions at Rs 90,000 naman para sa 3-year plan.
Dagdag pa niya, ang scamming tactic na ito ay ginawa pa nilang pyramiding scheme sa pamamagitan ng pangangako na magbibigay sa clients ng libreng oxygen therapy sessions para sa bawat customer na mahihikayat nila na magpunta sa kanilang clinic.
Nangako raw ang mga dubey ng mabilis na resulta sa loob lamang ang ilang buwan at sinabing babata ng 20 years at aayos ang damaged organs ng sinumang susubok nito.
Inabisuhan na ang mga airport na harangin sina Rajeev at Rashmi ngunit pinaghahanap pa rin dahil pinaniniwalaang nakalabas na sila ng bansa tangay ang pera ng mga biktima.
Mayroon nang kaso laban sa mga Dubey at patuloy pa rin ang imbestigasyon ngunit kumpirmado na higit 24 katao na ang naloko ng mag-asawa.
Ikaw, gagastos ka ba ng ganitong kalaki, para magmukhang bata?