Pansamantalang ipinasara ng Pasig City Government ang isang malaking imported supermarket chain
matapos lumabag sa pinaiiral na health protocols.
Sa kaniyang social media post sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na tatlong beses sumablay ang Landers Superstore sa pagpapairal ng health protocols kung saan walang nagpapaalala sa mga customer hinggil sa physical distancing na tila nakakalimutan na rin ng mga mamimili.
Subalit ipinabatid ni Sotto na tanging ang grocery lamang ng Landers sa Barangay Ugong ang sarado kaya’t maaari pa rin ma avail ang serbisyo ng restaurant nito gayundin ang barbershop, plant shop, pharmacy at parking lot.
Nabatid na gumagawa na rin ng kaukulang hakbangin ang nasabing superstore para mahigpit na maipatupad ang health protocols.