Tinitingnan na ng mga otoridad ang anggulong isang malaking Korean mafia ang sangkot sa pagpatay sa kanilang kapwa Koreanong si Jee Ick-Joo.
Ayon kay Philippine National Police o PNP anti-kidnapping group chief senior supt. Glenn Dumlao, sangkot umano ang grupo sa extortion at pagpatay sa mga mayamang Koreano sa bansa.
Kabilang sa mga miyembro nito ay mga law enforcer at mayayamang Koreano.
Batay sa imbestigasyon, pag-aari ni Jee ang isang manpower agency na nag-susupply ng mga trabahador para sa online-gaming sa Fontana Leisure Parks and Casino ng gaming tycoon na si jack Lam sa Clark, Pampanga.
By Drew Nacino | Report from Allan Francisco