Kinumpirma ng Chief Minister ng Sabah sa Malaysia na nakalaya na sa kamay ng hinihinalang Abu Sayyaf ang isa sa kanilang mga kababayan na dinukot noong buwan ng Mayo.
Sa official statement ni Sabah Chief Minister Musa Aman na inilathala ng Bernama News Agency, nagpasalamat ito sa tulong ng Filipino authorities upang makalaya sa kidnappers si Thien Nyuk Fun.
Tumanggi nang magbigay ng detalye si Musa kung paano nakalaya si Thien.
Si Thien kasama ang isa pang Malaysian national ay dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa isang restaurant sa Sabah noong buwan ng Mayo.
Pinakawalan ito ng kanyang kidnappers sa Jolo Sulu samantalang blangko pa ang otoridad sa kalagayan ng kasama niyang nadukot sa Sabah.
By Len Aguirre