Hinarang ng mga otoridad ang isang Malaysian national na nagtangkang pumasok ng Pilipinas gamit ang pasaporte na may ibang pangalan.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, pinigil ng kanilang mga tauhan ang 41 anyos na si Paul Daniel Lim na sakay ng Cebu Pacific Flight mula sa Kota Kinabalu.
Nagduda ang mga otoridad sa mga dokumentong bitbit ng dayuhan na umamin na ring ibang passport ang ginamit niya na nasa pangalan ng isang Arry Bin Jong.
Sinabi ni Lim na napilitan siyang gumamit ng ibang passport dahil wanted siya sa kasong estafa sa Malaysia.
Ibinunyag din ni Lim ang contact niyang Pinoy at kung saan dapat siya tutuloy pagdating sa bansa.
By Judith Estrada – Larino | With Report from Aya Yupangco