Binulabog ng bomb scare ang 168 Mall sa bahagi ng Divisoria sa lungsod ng Maynila kahapon dulot ng isang abandonadong bag
Pasado alas Kuwatro ng hapon nang pansamantalang ipatigil ng Manila Police District Station 11 ang pagpasok ng mga mamimili sa nasabing mall
Nakita ng mga awtoridad ang kulay itim na bag sa main entrance ng naturang mall dahilan upang palayuin ang lahat ng tao sa loob nito
Agad namang kinordonan ng Manila Police District Bomb Squad ang lugar pagdating nito habang lumapit naman ang dalawang K9 unit sa nasabing bag para alamin kung may lamang bomba ito
Ngunit nang matiyak na ligtas nang buksan ang bag, tumambad ang mga damit na siyang laman ng pinagkaguluhang bag
By: Jaymark Dagala