Arestado ang editor ng pahayagang Manila today na si Lady Ann Salem matapos madiskubre ang ilang armas, bala at subersibong dokumento na nasa pangangalaga nito.
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day, kahapon.
Batay sa ulat, si Salem ay dinakip ng Criminal Investigation and Detection National Capital Region Police Office sa kaniyang tinutuluyang condo sa unit 617 Avida Towers, Edsa Corner Relliance St. Mandaluyong City.
Ang pag-aresto kay Salem ay bunsod na rin ng search warrant na inilabas ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City RTC branch 89.
Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosive at paglabag sa comprehensive firearms and ammunition regulation law ang mamamahayag.
Nagtatrabaho si Salem sa Alternative Media Community at isa sa founding members ng Altermidya network nagtapos siya sa UP College of Mass Communication at kasama sa Lopez Jaena Community Journalism workshop.