Nasawi ang isang reporter, habang sugatan naman ang asawa at anak nito matapos pag-babarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Northeastern State of Tamawlipas, Mexico.
Kinilala ang biktima na si Antonio De La Cruz, na nagtrabaho sa pahayagang expreso.
Nabatid na madalas nitong tinutuligsa sa kanyang mga post sa social media ang mga pulitiko na di-umano’y sangkot sa katiwalian.
Ayon sa mga otoridad, naganap ang pamamaril habang paalis ang biktima sa kaniyang tahanan sa Ciudad Victoria.
Samantala, si Dela Cruz ay ika-12 mamamahayag nang pinatay sa naturang bansa ngayon taon.