Duda ang isang mambabatas na maipapasa sa loob ng tatlong buwan ng susunod na kongreso ang panukalang ibalik ang parusang bitay sa bansa.
Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, hindi ito agad maisasalang sa agenda ng mga mambabatas dahil sa tiyak na uunahin ng mga ito ang pagsasaayos sa mga komite mula sa chairmanship hanggang sa mga miyembro.
Sunod naman aniyang aatupagin ng mga mambabatas ang paghimay sa pambansang pondo para sa susunod na taon na isinusumite ng Department of Budget pagkatapos ng SONA o State of the Nation Address ng pangulo.
Kasunod nito, binigyang diin ni Baguilat na tiyak na daraan sa butas ng karayom ang kontrobersyal na panukala dahil sa maraming mga mambabatas ang kokontra rito.
By: Jaymark Dagala