Pabata ng pabata na ‘di umano ang edad ng mga positibo sa HIV/AIDS sa Pilipinas.
Ayon kay Aangat Tayo Partylist Representative Harlin Neil Abayan lll, nakaka-alarma ang datos na mahigit isang libo (1,000) mula sa mahigit tatlong libong kaso (3,000) ng HIV/AIDS sa bansa ay may edad kinse (15) hanggang bente kwatro (24) anyos.
Makikita rin anya sa datos ang dumaraming bilang ng lalaking millenials na positibo sa HIV dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Sinabi ni Abayon na mula Enero hanggang Abril ng taong ito, sampung (10) bata na edad kinse (15) pababa ang nagpositibo rin sa HIV.
Dahil dito, hinikayat ni Abayon ang pamahalaan na paigtingin ang edukasyon ng mga Pilipino hinggil sa HIV/AIDS at ang kampanya upang ipakalat ang mga impormasyong dapat malaman hinggil sa sakit na ito.
By Len Aguirre