Hinikayat ng isang mambabatas ang pamahalaan na maglatag na ng food security plan kasunod ng ipinatupad na Luzon community quarantine.
Ayon kay Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat, maigi nang habang maaga pa ay makapagbalangkas na ang pamahalaan ng plano para matiyak ang food sufficiency sa rehiyon.
Sa ngayon aniya ay hindi pa gaanong ramdam ang epekto ng community quarantine pagdating sa kabuhayan ng marami ngunit hindi umano magtatagal ay ramdam na ito ng mamamayan.