GINAWARAN ng parusang kamatayan ng isang military court sa Myanmar ang isang mambabatas na kasapi ng National League for Democracy o NLD party ni Aung San Suu Kyi.
Ayon sa ulat, si Phyo Zeyar Thaw, ay napatunayang guilty o walang dudang nagkasala sa kasong paglabag sa counterterrorism law.
Nabatid na maging ang tanyag na democracy activist na si Kyaw Min Yu, ay pinatawan din ng katulad na sentensiya.
Hanggang ngayon ay halos walang tigil ang protesta ng mga tao laban kay army chief Min Aung Hlaing matapos patalsikin sa pamamagitan ng kudeta ang liderato ni Aung noong February 2021.