Hindi sang-ayon si Congressman Rufus Rodriguez na ipagpaliban ang pagsasagawa ng eleksyon.
Ayon kay Rodriguez, ang anumang hakbang na naglalayong itigil o ipagpaliban ang pagsasagawa ng eleksyon ay malinaw na paglabag sa konstitusyon.
Pagdidiin pa ni Rodriguez, kinakailangang maghalal ng mga susunod na manunungkulan sa ating bansa.
Iginiit din nito na, walang isinasaad na batas ang pagpapahintulot sa pagpapalawig ng mga termino ng mga opisyal.
Dagdag pa ng mambabatas, kinakailangang marinig ang boses ng taumbayan sa kung sino ang nais nilang magsilbi sa bayan.
Sa huli ani Congressman Rodriguez, bagamat naiintindihan niya ang rason ng kapwa mambabatas na nagnanais na ipagpaliban ang eleksyon, ay nariyan naman aniya ang comelec para mapaghanda ang pagsasagawa ng eleksyon kahit pa may banta ng COVID-19 pandemic.