Tiwala si Cagayan De Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na magkakaroon na ng mas maayos na suplay ng kuryente sa Mindanao.
Kasunod ito ng pagsisimula ng ikalawang bahagi ng P10.6-billion Mindanao substation upgrading program at operasyon ng 100-megavolt ampere transformer sa Toril District sa Davao City batay sa inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon kay Rodriguez, ipinagpapasalamat niya ang naturang substation upgrading program at umaasa siyang masusundan ito ng iba pang substation sa CDO at Misamis Oriental upang magkaroon ng stable na suplay ng kuryente sa rehiyon.