Na- rescue ng Philippine Navy ang isang mangingsidang napaulat na nawawala simula pa noong January 29.
Ayon kay Naval Forces Northern Luzon Commander Commodore Caesar Bernard Valencia, nasagip si Teodolo Silab, 59 anyos tiga – Sual, Pangasinan habang nasa ibabaw ng kanyang tumaob na bangka.
Nakita siya ng fishing banca na Queen Anielyn 2 sa pangunguna ni Rodrigo Encio.
Ayon kay Silab, nangingisda siya sa layong 13 nautical miles ng Aringay, La Union nang hampasin ng malalaking alon ang kanyang bangka kaya tumaob ito.
Agad na dinala ng Phil. Navy si Silab sa Ilocos training regional medical center sa San Fernando, La Union para sa medical check-up.