Naaresto ng pinagsanib-puwersa ng militar at pulisya ang isang mataas na opisyal ng News People’s Army (NPA) sa isinagawa nilang operasyon sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Eastern Mindanao Command ang inaresto na si Ofelia Frontreras Buanhog alias Decay/Wada na tumatayong front secretary ng Guerilla Committee ng Far South Mindanao Region ng NPA.
Napasakamay ng mga alagad ng batas si Buanhog dakong alas-9:00 kagabi sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Surallah Regional Trial Court Branch 26 dahil sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9516 o rebelyon at frustrated murder.
Ayon kay Lt/Col. Ezra Balagtey, Spokesman ng EASTMINCOM matagal nang nag-ooperate sa South Cotabato ang grupong pinamumunuan ni Buanhog na siyang nasa likod ng hindi mabilang na pag-atake at mga kaso ng pangingikil sa lugar.
Hindi na lumaban pa si Buanhog sa mga awtoridad at wala ring nakuhang anumang armas o dokumento mula rito.
—-