Wala nang magiging kalaban ang isang tumatakbong alkalde sa isang bayan sa Aklan makaraang ideklarang nuisance candidate ng Commission on Elections (Comelec) ang nag-iisa nitong katunggali sa darating na eleksyon bukas, Lunes, Mayo 13.
Ito’y matapos na mapatunayan na si Ludovico Villaruel Jr., 68, isang independent candidate ay hindi na maaaring tumakbo bilang mayor sa nasabing bayan, maliban pa dito ang kwestiyunable nitong residency.
Nag-ugat ang diskwalipikasyon ni Villaruel makaraang madiskubre daw ng election officer doon na walang bahay si Villaruel sa ibinigay nitong address.
Napag-alaman din na walang kinaanibang political organization o supporters si Villaruel para maging katuwang nito sa kanyang kandidatura.
Ituturing naman ng Comelec na stray votes o walang saysay ang bawat botong makukuha ni Villaruel.