Hinamon ng militanteng grupo ng mga mangingisda si Pangulong Rodrigo Duterte na agad paalisin ang mga Amerikanong sundalo na nasa Pilipinas dahil sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Fernando Hicap, Pangulo ng pambansang lakas ng kilusang mamamalakaya ng Pilipinas, kung seryoso ang ginawa ni Pangulong Duterte sa pagputol nito sa VFA, ay dapat paalisin na rin niya ang mga tropang Amerikano sa bansa.
Ani Hicap kung hindi ito magagawa ng Pangulo ay malamang na nakikipag-mind games lamang ito para maisalba ang visa ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa.
Magugunitang sinasabing isa sa nag-udyok sa Pangulo para putulin ang VFA ay dahil sa kanselasyon ng US visa ni Dela Rosa.