Tuluyan ng nakubkob ng mga rebelde ang isang military base sa Aden, Yemen matapos ang matinding sagupaan na ikinasawi na ng halos apatnapu (40) at ikinasugat ng mahigit isandaang (100) iba pa.
Ayon sa Yemeni Health Ministry, karamihan sa mga nasawi sa matinding bakbakan simula noong linggo ay mga sundalo.
Pinalilibutan na ng mga rebelde mula sa Southern Resistance Forces at sinusuportahan ng United Arab Emirates ang Presidential Palace.
Ito’y upang igiit ang kalayaan ng Southern Yemen at magkaroon ng sariling gobyerno.
Nag-ugat ang sagupaan matapos mabigo ang Yemeni government na magpatupad cabinet ng reshuffle alinsunod sa iginigiit ng separatistang Southern Transitional Council kabilang na ang pagpapatalsik kay Prime Minister Ahmed Bin Daghar.
—-