Nadakip ang isang 53 anyos na lalaki matapos umanong makuhanan ng awtoridad ng isang milyong pisong halaga ng ilegal na kahoy sa Butuan City.
Batay sa imbestigasyon ng Caraga police, nagsagawa ng roving ang pulisya nang mapansin ang isang lalaking nagkakarga ng mga kahoy sa isang truck.
Ininspeksyon ng mga pulis ang nasa 20,000 board feet at hiningan ng dokumento ang suspek ngunit wala itong naipakita.
Agad naman itong ipinaalam sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Samantala, sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek at ang isa pang kasama nito na nakatakas sa operasyon.—sa panulat ni Airiam Sancho